^

Probinsiya

Tinedyer nabaril ang sarili, patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 15-anyos na tinedyer sa sobra nitong kakulitan makaraang aksidenteng mabaril ang sarili sa kinakalikot na improvised na baril sa Tagbilaran City, Bohol kamakalawa ng hapon. Ang biktimang ipinatago sa pangalang Junjun ay binawian ng buhay sa tinamong malubhang tama ng bala sa katawan. Sa inisyal na ulat ng Bohol PNP na isinumite sa Camp Crame, naganap ang insidente sa bisinidad ng sapa sa Barangay Liboron bandang alas-2 ng hapon noong Lunes. Ayon sa imbestigasyon, ang improvised na baril ay nabili ng biktima sa halagang P300 mula sa isang kaibigan. Nabatid na kinakalikot ng biktima ang baril kasama ang kaibigang 16-anyos nang biglang pumutok ang armas na sumapul sa kaniyang ulo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with