6 durugista tiklo sa drug bust
BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng anim na durugista makaraang salakayin ang itinuturong drug den sa isinagawang drug bust operation sa mga Barangay San Juan at Barangay Santol sa bayan ng Balagtas, Bulacan noong Lunes ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Ferlyn “Boss” Rivas ng Brgy. San Juan, Balagtas; Michelle Evangelista ng Brgy. Abangan Sur, Marilao; Lito Baclas, Dexter Gundran, Llanito Repana, mga residente sa Brgy. Santol; at si Fernando Wagas ng Barangay Malis sa bayan ng Guiguinto, Bulacan. Base sa ipinalabas na search warrant ni Judge Cita Jose Clemente ng Malolos City Regional Trial Court Branch 16, sinalakay ang bahay ni Rivas sa Brgy. San Juan. Naaktuhan sa pot session ang apat na durugista habang si Repana naman ay naaresto sa buy-bust operation sa Brgy. Santol. Narekober sa dalawang operasyon ang P10,500 halaga ng shabu, mga drug paraphernalia at marked money.
- Latest