^

Probinsiya

Encounter: 6 BIFF, 1 sundalo utas, 14 sugatan

Rhoderick Beñez at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Anim na miyembro ng Bang­samoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at isang sundalo ang napaslang habang 14 naman ang nasugatan sa serye ng bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar at armadong grupo sa mga hangganan ng Shariff Sayduna Mustapha, Datu Insay, Datu Salibo, at Datu Saudi Ampatuan sa Maguindanao kahapon.

Ayon kay Col. Cirilito Su­bejana, commander ng Army’s 601st Infantry Brigade ng Phil. Army, bandang alas-4:30 ng madaling araw nang makasagupa ng tropa ng 47th at 34th Infantry Battallion ang grupo ng BIFF fighters sa bisinidad ng Barangay Pamalian.

Sa kasagsagan ng putukan, anim na rebeldeng BIFF at isang sundalo ng Phil. Army ang napatay habang naisugod naman sa pagamutan ang mga sugatang sundalo.

Nabatid na pinangunahan ni Commander Ustadz Karialan ang may 100 mi­yembro ng BIFF na sinasabing tumiwalag sa grupo ng BIFF na isinusulong naman ang idelohiya ng ISIS.

Nagpapatuloy naman ang opensiba laban sa BIFF re­bels, ang breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nasa likod ng paghahasik ng terorismo sa Central Mindanao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with