Guro dinedo ng tandem
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Kamatayan ang sinapit ng 52-anyos na public school teacher na sinasabing nasa drug watchlist ng pulisya matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa Barangay Sta. Rita, bayan ng Aurora, Isabela kahapon. Ayon kay P/Senior Insp. Mervin Delos Santos, hepe ng PNP Aurora na sinundan at pinagbabaril ng gunmen ang biktimang si Cesar Alejandro na nakamotorsiklo malapit sa St. Rita Elementary School. ? Bagama’t kasama si Alejandro sa mga umaming durugistang sumuko sa Oplan Tokhang na inorganisa ni Delos Santos ay inaalam ng mga imbestigador sa mga opisyal ng paaralan kung bakit pa ito nakapagtuturo. Sa record ng pulisya, unang tinambangan sa bayan ng San Manuel si Alejandro noong nakalipas na taon.
- Latest