^

Probinsiya

Militar vs NPA: 4 bumulagta

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Apat-katao ang napatay makaraang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng 66th Infantry Battalion ng  Philippine Army at New People’s Army sa liblib na bahagi ng Sitio Pongpong, Brgy. Andap sa bayan ng New Bataan, Compostela Valley Province, ayon sa ulat kahapon umaga.

Ayon kay Captain Alex Cabales, civil military ope­rations battalion ng 10th Infantry Division ng Phil. Army, tumagal ng 45-minuto ang sagupaan bago umatras ang rebelde.

Napag-alamang dalawa sa  napaslang sa panig ng militar habang dalawa naman sa hanay ng rebelde na nasa ilalim ng Guerrilla Front-25 Southern Min­danao Region.

Naisugod naman sa Camp Panacan Hospital ang isang sundalo na suga­tan sa bakbakan.

Narekober ng militar sa encounter site ang isang AK-47 ng mga rebelde.

Hindi muna pinangalanan ng militar ang dalawang sundalo dahil hindi pa naipaalam sa kanilang pamilya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with