Pusher pa dedo sa buy-bust
BULACAN, Philippines – Napatay ang itinuturing na notoryus na drug peddler matapos itong kumasa at makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Bagong Daan, Barangay Tiaong sa bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng hapon. Nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan si Florentino “Ante” Santos ng Barangay Tiaong at nasa talaan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council. Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Julius Ceasar Domingo, nakatunog sa inilatag na buy-bust operation si Santos kaya tinangka nitong putukan ang nagpanggap na poseur-buyer na pulis. Gayunman, naunahan na si Santos ng ilang pulis na nakapaligid. Narekober kay Santos ang cal. 38 revolver, 3 plastic sachet na may shabu at P250 cash.
- Latest