Ika-5 drug suspek, itinumba
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang ikalima sa drug watchlist ng pulisya matapos itong pagbabarilin ng mga hindi kilalang lalaki habang naglalakad sa Barangay Shilan, bayan ng La Trinidad, Benguet kahapon ng madaling araw. Naisugod sa Benguet General Hospital subalit namatay din habang ginagamot si Anthony “Basilan” Ebros Salaing na tubong Tublay, Benguet. Samantala, natagpuan naman ang bangkay ni Rimberto Gaddi Abrenica noong Sabado kung saan may karatula pa sa kanyang dibdib na “pusher ako”. Noong Miyerkules naman ay itinumba ang isa pang drug personality na si James “Barton” Batawa matapos itong ratratin ng hindi kilalang lalaki sa Barangay Pico.?
- Latest