^

Probinsiya

Ex-mayor at asawang Army major tiklo sa drug trade

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga operatiba ng pulisya si da­ting Maguing Lanao Del Sur Mayor Johaira Abinal at ang mister na si Philippine Army Major Suharto Macabuat sa kanilang bahay sa inilatag na drug bust operation sa Grand Ballon sa Cagayan De Oro City, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, sinalakay ng mga operatiba ng PDEA ang bahay ng dating local official sa Brgy. Kauswagan base sa search warrant na inisyu ng korte kaugnay sa umano’y illegal drugs.

Arestado rin ang pitong suspek kabilang si Sonny Santican na mga miyembro ng sindikato ng droga.

Nasamsam sa dalawang palapag na bahay ng mag-asawa ang 200 gramo ng shabu, at cal. 45 pistol na may mga bala.

Si Macabuat ay aktibo pa sa Philippine Army na naka-assign sa Headquarters Support Group sa Fort Bonifacio. Nabatid na isinailalim sa surveillance ang mag-asawa dahil sa pagkakasangkot nila sa illegal drug trade sa nasabing lugar.

Ayon kay Adrian Alvaro, hepe ng PDEA Northern Mindanao, si ex-Ma­yor  Abinal  ay sinasabing pinakamalaking supplier ng shabu sa Southern Min­danao, Northern Mindanao, Caraga, Central Mindanao at sa Autonomous Regionin Muslim Mindanao (ARMM).

Napag-alamang si ex- Mayor Abinal ay lider ng A­binal drug group na kumukuha ng shabu mula sa mga Chinese drug lord sa Maynila sa nakalipas na 15 taon. 

“Isinasagawa ang bayaran sa pamamagitan ng bank to bank transaction, kapag nagkasundo sa drug trade” dagdag pa ni  Alvaro.

Itinanggi naman ni ex-Mayor Abinal ang akusasyong sangkot siya sa drug trade. Dagdag ulat ni Mario D. Basco

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with