Isa pang drug peddler, pinabulagta
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Isa na namang drug personality ang pinabulagta matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins sa kahabaan ng highway sa Barangay Kapanikian Norte, Allacapan, Cagayan kahapon. Kinilala ni P/Senior Insp. Antonio Palattao, hepe ng Allacapan PNP ang napatay na si Reynante Urias ng Barangay Centro East.? Ayon sa ulat, si Urias na sinasabing bagong identified drug pusher sa nasabing bayan ay nagtamo ng tama ng bala ng cal.45 pistol sa iba’t-ibang bahagi ng katawan saka iniwang nakahandusay sa highway.
- Latest