^

Probinsiya

P3.5-M shabu nasamsam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa P3.5 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng pulisya matapos salakayin ang boarding house na inuupahan ng notoryus drug pusher na itinumba ng pinaghihinalaang vigilante noong nakalipas na linggo sa bayan ng Burauen, Leyte kamakalawa ng gabi. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-7 ng gabi nang salakayin ng mga pulis ang boarding house sa kahabaan ng San Diego Street, District 9 sa nasabing bayan. Nabatid na ang boarding house ay sinasabing tinuluyan ni Chelito Caimay na napatay naman matapos na pagbabarilin ng vigilante group noong Hulyo 17. Nabatid na may nakapag-tip sa mga awtoridad na ang boarding house ay may nakatagong shabu na pinagkukunan ng suspek. Narekober naman ang 400 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.5 milyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with