^

Probinsiya

2 tulak na nakatakdang sumuko, nilikida

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - Dalawang notoryus na tulak-droga ang napatay sa naganap na magkahiwalay na pamamaril ng riding-in-tandem gunmen sa General Santos City, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon. Unang napatay si Danilo Justana, 46, ng Purok 7, New Santo Niño, Brgy. Apopong sa nasabing lungsod. Nabatid na si Justana ay nakulong na noon sa Palawan, Cebu, at sa Muntinlupa City kaugnay sa mga kasong pagnanakaw. Nakatakda na sana itong sumuko sa pulisya kung saan bitbit ang form para sa pagsuko nang harangin at barilin habang patungo sa himpilan ng pulisya. Samantala, pinabulagta rin si Raul Plomillo, 40, ng Purok 5 sa Brgy. Lagao matapos itong ratratin ng motorcycle-riding assassins. Napag-alamang nagbibisikleta ang biktima patungo sa kanilang lupain upang pakainin ang mga alagang hayop nang harangin at pagbabarilin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with