^

Probinsiya

Mag-utol na drug peddler dedo sa shootout

Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Parehong bumulagta sa kamay ng mga pulis mula sa Albay PPO, PIB, PRO5, PPSC, RPSB at Ligao City PNP ang dalawang magkapatid na notoryus na drug peddler sa lalawigan nang makipagbarilan sa ginawang buy bust operation sa kanilang lugar sa Brgy. Calzada, Ligao City dakong alas 7:30 kamakalawa ng gabi (Huwebes). Pareho pang naisugod sa Josefina Belmonte Duran Hospital sa Ligao City pero pawang idineklarang patay ang mga suspek na sina Joel Sadia at Salvador Sadia, kapwa may-asawa at residente ng naturang barangay. Sa report ni Sr. Insp. Ma. Luisa Calubaquib, matapos na magkabilihan ng  droga ang poseur buyer at mga suspects, bumunot ng baril ang dalawa nang akma silang dadakpin ng mga pulis sanhi ng barilan. Narekober sa bumulagtang mga suspek ang isang kalibre 45 pistola, isang kalibre .357 magnum at 14 sachet ng shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with