Pinay hostage pinakawalan ng Abu Sayyaf, Norwegian naiwan
MANILA, Philippines – Ligtas na ang isang Pilipina mula sa kamay ng bandidong grupong Abu Sayyaf matapos siyang pakawalan kagabi, habang naiwan ang isa pang bihag na Norwegian.
Sinabi ni Abu Sayyaf spokesman Muammar Askali alias Abu Rami na bandang alas-8 kagabi nang pakawalan nila si Marites Flor at ibinigay sa isang emisaryo.
Hawak pa rin ng grupo si Kjartan Sekkingstad kung saan P300 milyon ang hinihingi nilang kapalit sa paglaya niya.
Kabilang sina Flor at Sekkingstad sa mga dinukot sa Samal Island ng Davao del Norte nitong Setyembre ng nakaraang taon.
A handout of Westmincom shows freed captive Marites Flor inside the military headquarters in Jolo, Sulu, after she was presented to the media hours after she was freed in Sulu. Roel Pareño
Kasama ni Flor ang dalawang Canadian na pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf matapos hindi makapagbayad ng ransom.
Ayon sa source, pinakawalan si Flor kapalit ng P20 milyon.
Samantala, kinumpirma ni Maj. Filemon Tan Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command ang pagpapalaya kay Flor.
Dinala na sa Joint Task Force Sulu si Flor upang sumailalim sa mga pagsusuri.
- Latest