^

Probinsiya

Manager ng sanglaan itinakbo ang P13-M halaga ng alahas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaghahahanap ngayon ang manager ng isang sanglaan sa Cotabato City matapos maglaho at tangayin ang P13 milyong halaga ng mga alahas.

Kinilala ang suspek an si Maria Sally Garcia ng hindi pa pinangangalanang sanglaan.

Ayon sa may-ari ng sanglaan ay mayroong full access si Garcia sa kaha de yero kung saan nakatago ang mga isinanglang alahas.

Bago mawala ang suspek at ang mga alahas ay napag-alamanan na aabot sa 423 alahas na isinangla sa kanila ang isinangla rin ni Garcia sa ibang sanglaan.

Inimbitahan na ng mga awtroidad ang mga katrabaho ni Garcia upang hingan ng pahayag.

Hanggang ngayon ay hindi pa tapos mag-imbentaryo ang may-ari ng sanglaan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with