^

Probinsiya

2 kapitan tiklo sa pasugalan sa Albay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walong katao ang nasakote, kabilang ang dalawang kapitan ng barangay, sa isinagawang raid sa isang kilalang kainan na nagsisilbing pasugalan sa Albay.

Nakilala ang dalawang kapitan na sina Wilfredo Nayve ng Barangay Market Site at Nap Cardel ng Barangay Binanuahan sa Legazpi City.

Nadakip din sa anti-illegal gambling operation sina Margie Barcelon, Elvie Mapagdalita at Michael Millena na pawang mga taga bayan ng Daraga, habang mga taga Legazpi naman sina Edgar Manzano, Vicky Galicia at Noel Repolles.

Sinugod ng mga awtoridad ang Maranaw Restobar/Josephine Ihaw-Ihaw and Food Service sa Barangay Sipi, Daraga kahapon kung saan P271,942.75 ang nakumpiska sa mga suspek.

Nabawi din sa lugar ang iba’t ibang ebidensya sa paglalaro ng poker.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602, o ang batas kontra illegal gambling.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with