PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ama inutas ng anak

QUEZON, Philippines – Napatay ang 46-anyos na mangingisda matapos itong saksakin ng sariling anak na lalaki dahilan lamang sa pamimintas sa gupit ng buhok, kamakalawa ng gabi sa Barangay Dinahican sa bayan ng Infanta, Quezon. Apat na saksak at hindi na umabot ng buhay sa Claro M. Recto District Hospital ang biktimang si Raul Villacero habang naaresto naman ang suspek na si Kim Andrew Villacero, 26, may-asawa, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat ng pulisya, lumitaw na magkasamang nag-iinuman sa kanilang bahay ang mag-ama nang punahin ng suspek ang kakaibang gupit ng buhok ng kanyang tatay. Gayunman, nagkainitan ang mag-ama kung saan inakala ng biktima na pinipintasan ang kanyang buhok. Nauwi sa matinding pagtatalo ang dalawa hanggang sa mapatay ang biktima.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: