PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

5-anyos patay sa ligaw na bala

QUEZON, Philippines - Maagang kamatayan ang sinapit ng 5-anyos na nene matapos itong tamaan ng ligaw na bala ng baril sa Barangay Llavac sa bayan ng Real, Quezon, kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot ng buhay sa Claro M. Recto District Hospital dahil sa tama ng bala sa dibdib ng biktimang si Euziele Abogado.

Ayon sa pulisya, dakong ala-una ng hapon nang biglang matumba ang biktima habang ito ay naglalaro sa loob ng kanilang bahay.

Nang siyasatin ng kanyang mga magulang ay  bumulwak ang dugo mula sa dibdib ng bata at nang dalhin sa ospital ay natuklasan na may tama ito ng bala ng baril. 

Naglunsad ng ma­lawakang operasyon ang pulisya laban sa may-ari ng baril na responsable sa pagkamatay ng biktima.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: