^

Probinsiya

Trak swak sa bangin: 1 patay, 6 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa-katao  ang namatay habang anim naman ang malubhang nasugatan matapos na mahulog ang isang trak sa may 200 metrong lalim na bangin sa Barangay Induyan Alno, bayan ng La Trinidad, Benguet noong Biyernes ng hapon. Kinilala ni Cordillera Police Spokesperson P/Supt. Cherry Fajardo, ang biktima na si Pedro Gumisa, 47, habang kritikal naman sina Roger Widwidan, 15; Tony Pinmangin, 35; driver na si Kim Tunguet, 22; at tatlong iba pa na hindi natukoy ang pagkakakilanlan. Nabatid na ang tatlong hindi nakilalang nasugatan ay tumalon mula sa trak habang bumubulusok ito sa may 200 metrong lalim na bangin. Bandang alas-3:30 ng hapon habang bumabagtas ang Isuzu Elf truck 153 ni Tunguet nang may pumasok na paru-paro sa unahang bahagi ng sasakyan na binubugaw ng driver bunsod upang mawalan ito ng pokus sa pagmamaneho.  Huli na nang hindi namalayan ng driver na pabulusok na sila sa bangin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with