^

Probinsiya

Chairman tiklo sa arms cache

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bagsak-kalaboso ang 60-anyos na barangay chairman matapos itong masakote ng pulisya kaugnay sa natagpuang arms cache sa isinagawang operasyon sa kanyang bahay sa Barangay Kitingting, bayan ng Damulog, Bukidnon kamakalawa ng madaling araw. Nakatakdang kasuhan ang suspek na si Chairman Clemente Pontejos na nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa pamumuno ni P/Inspector Hubert Tirol, hepe ng Damulog PNP. Isinagawa ang raid sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Ma. Theresa Aban Camanong ng Regional Trial Court, Branch 9 sa Malaybalay City. Natagpuan sa bahay ng suspek ang iba’t ibang uri ng malalakas na kalibre ng armas, granada at kahung-kahon ng bala para sa mga armas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with