^

Probinsiya

4-anyos ni-rape slay ng adik

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 4-anyos na nene matapos itong halayin ay pinatay pa sa sakal ng isang adik sa liblib na bahagi ng Purok Walingwa­ling, Barangay Punta Linaw sa bayan ng Banaybanay, Davao Oriental, ayon sa ulat kahapon.

Noong Miyerkules pa ng gabi nawawala ang biktimang si Annjealhen Faith Malicse Alonzo.

Bandang alas-11 ng umaga kahapon lamang natagpuan ang bangkay nito na may 200 metro ang layo mula sa kanilang bahay.

Pinaniniwalaang ginahasa muna ang biktima dahil walang saplot ang pang-ibabang bahagi ng katawan nito kung saan may malaking sugat sa maselang bahagi ng katawan.

Natagpuan din ng pulisya sa crime scene ang isang stick ng sigarilyo at ballpen na sinasabing pagmamay-ari ng rapist.

Samantala, nakatakdang magbigay ng P.1 mil­yong cash na pabuya si Banaybanay Davao Oriental Mayor Ada Tambuang sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon laban sa suspek.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with