^

Probinsiya

Misis pinasok, binaril sa ulo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang misis nang pasukin at barilin ng ‘di kilalang salarin sa loob mismo ng kanyang tahanan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Bulihan, Silang, Cavite.

Patay na nang matagpuan ang biktima na si Sarah Joce­lyn Jalandani Massey, nasa hustong gulang, may asawa ng Blk 7, Lot 35, Geines Ville, Brgy Bulihan ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Decto Abangoen, alas-7:29 ng gabi nang matagpuan ng kanyang kapitbahay ang duguang katawan ng biktima habang nakaupo sa isang sofa at may tama ng bala sa ulo.

Nadiskubre lamang ang krimen nang puntahan ang biktima ng kapit bahay na si Gng. Amelita Barrientos para mag-deliver sana ng puto cake. Nakailang beses na umanong kumakatok sa pinto si Barrientos subalit walang nagbubukas kung kaya sumilip umano siya sa bintana at dito niya nakita ang duguang biktima na nakaupo sa sala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with