^

Probinsiya

Pulis patay sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang pulis ha­bang dalawa pa ang malubhang nasugatan kabilang ang kanyang paslit na anak makaraang pagbabarilin ng tatlong armadong kalalakihan sa naganap na pananambang sa highway ng Brgy. San Isidro, Pagsanjan, Laguna nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat ni Laguna Acting Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Ronnie Montejo, kinilala ang nasawing biktima na si PO3 Dustin Gomez, may-asawa, 40-anyos, naninirahan sa Brgy. Bagong Silang, Lumban ng lalawigan.

Isinugod naman sa paga­mutan upang malapatan ng lunas ang mga sugatang sina Sheena Abadier, 24 anyos, dalaga at Jan Daniele Gomez, 4-anyos, anak ng nasabing pulis.

Base sa imbestigasyon, habang minamaneho ni PO3 Gomez ang kulay itim na motorsiklong Honda (5084DS) angkas ang dalawang biktima nang harangin ng tatlong armadong lalaki at pagbabarilin sa kahabaan ng Brgy. San Isidro, Pagsanjan dakong alas-9 ng gabi.

Galing ang mga biktima sa Pagsanjan at patungong Lumban, Laguna nang harangin ng isang motorsiklo lulan ang tatlong suspek at saka pinaputukan na ikinadamay ng kanyang anak at kasamang dalaga.

Mabilis na isinugod ng rumespondeng rescue team ang mga biktima sa Pagsanjan Medical Center subalit idineklarang dead on arrival ang nasabing pulis.

Sa follow-up operations, nasakote ang tatlong suspek na kinilalang sina Moises Bagabalbo, Nino Flores at Brenn Collin Almario; pawang residente ng bayan ng Lumban.?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with