^

Probinsiya

Kotse vs trak: Pamilya, 3 todas!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng isang pamilya ang nasawi matapos na sumalpok ang humahagibis na sinasakyang sa isang truck na nakaparada sa tabi ng highway sa  bayan ng Tigbao, Zamboanga del Sur kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Marie Alejandro, mister na si Ricky at 5-anyos nilang anak na si Jeron, pawang nagtamo ng matitinding sugat sa katawan.

Sa ulat ng Zamboanga del Sur Police, dakong alas-9 ng umaga nang maganap ang insidente sa dulo Brgy. Nilo at Maragang, Tigbao.

Sa ulat, nag-overtake ang metallic Toyota Vios (ACB 7076) na nakarehistro sa Farma Iberica Corporation na minamaneho ni Arvin Climaco, 28, ng Zamboanga City sa isang truck habang binabagtas ang highway.

Nakisakay lamang ang mag-anak na pauwi na sa Davao City sa nasabing sasakyan na galing sa lungsod ng Zamboanga nang mangyari ang aksidente.

Sa sobrang bilis umano ng takbo ng kotse na minamaneho ni Climaco, nawalan ito ng kontrol sa manibela sanhi upang  sumalpok sa nadiskaril na truck sa tabi ng highway.

Sa lakas ng bangga, pawang tumilapon palabas ng behikulo ang tatlo sanhi ng kanilang ikinamatay habang nasa kritikal namang kondisyon ang driver.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with