^

Probinsiya

2 durugista utas sa shootout

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SAN LEONARDO, Nueva Ecija, Philippines – Dalawa-katao kabilang ang lider ng sindikato ng droga ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Purok 3, Barangay Rizal sa bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija noong Martes ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina Oliver Bartolome, lider ng Bartolome Drug Group; at Warlito Pangilinan ng bayan ng General Tinio, Nueva Ecija. Nabatid na susunduin ng mga pulis si Bartolome mula sa bayan ng Jaen upang dumalo sa promulgation ng kanyang kaso sa Gapan City Regional Trial Court. Gayunman, bigla itong sumakay sa naghihintay na Toyota Corolla (XGE-302) saka pinasibad ng driver patungo sa bayan ng General Tinio. Dito na naganap ang habulan na nauwi sa shootout. Narekober  ng pulisya ng cal.45 pistol, cal. 22  revolver, at isang plastic sachet ng shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with