^

Probinsiya

2 suspek sa loan officer slay, arestado

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - Ares­tado na ng Kabacan PNP ang dalawang suspek sa pamamaslang sa loan officer ng lending company sa Sitio Damolog, Brgy. Malanduage sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng hapon.

Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Mabini Abpi Dalamban na gumagamit na Alyas Alimudin Luway, 44; at Ronnie Bala Entol, may asawa at kapwa residente sa nasabing barangay.

Ayon kay P/Senior Insp. Ronnie Cordero, positibong itinuro ng mga testigo ang mga suspek na responsable sa pagpaslang kay Jerson Bation, 23, loan officer ng ASA Philippines noong Lunes ng umaga.

Naaresto ang mga suspek sa tulong ng mga testigo makaraang ilatag ang operation ng pinagsanib na pwersa ng CPPO, 602nd Brigade at ng Kabacan PNP.

Napag-alaman na walang natangay na malaking halaga ng pera ang mga suspek dahil ang pouch na inakala na may pera ay walang laman na cash.

Sa halip, inilagay ni Jerson ang pera at ang listahan nito na kanyang collection sa kanyang sapatos.

Sinabi ni Cordero na hindi rin kinuha ng mga suspek ang motorsiklo ni Bation sa halip ay ang kanya ng personal na gamit lamang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with