^

Probinsiya

Mag-asawa itinumba sa waiting shed

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkasunod na na­patay ang mag-asawahabang nakaligtas naman ang kanilang apong dalagita makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa Barangay South Poblacion, bayan ng Maramag, Bukidnon noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang mag-asawang napatay na si Angelina Villamor, 56; at Fortunato Villamor, 57, mga nakatira sa nasabing bayan.

Samantala, nakaligtas naman sa pamamaril ang apo ng mag-asawa na si Jocel Jane Villamor matapos itong makapagtago sa likuran ng tricycle na nakaparada.

Sugatan naman ang mag-inang ang bystander na sina Victoria Gumanon, 38; at Reynan Gumanon.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, nakatayo sa waiting shed ang mag-asawa kasama ang kanilang apo habang nagpapatila ng ulan nang biglang sumulpot ang maskaradong kalalakihan saka isinagawa ang pamamaril.

Nabatid na ang mag-asawa ay pauwi na sana kung saan hinihintay lamang ang kanilang sundo nang maganap ang krimen.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang sinisilip naman ang anggulong alitan sa hangganan ng lupain ng mag-asawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with