^

Probinsiya

Kampo ng Abu Sayyaf, nakubkob

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakubkob ng mga sundalo ang isa sa mga kampo ng bandidong Abu Sayyaf Group na pinaniniwalaang ginamit na taguan sa tatlong binihag sa Samal Island matapos ang bakbakan noong Martes sa kagubatan ng Maimbung, Sulu.

Ayon kay AFP –Western Mindanao Command Spokesman Major Felimon Tan Jr., dakong alas-8 ng umaga nang makabakbakan ng 14th Scout Ranger Company ang Abu Sayyaf Group sa  pamumuno ni ASG sub leader Idang Susukan sa Brgy. Gulangan.

Tumagal ng 45-minuto ang bakbakan bago nagsitakas ang mga bandido na tuluyang inabandona ang kampo sa nasabing lugar.

“Said encampment, which can accommodate more or less 200 persons and is equipped with water source, was seized amid pursuit and clearing operations launched by the operating troops,” ayon pa kay Tan

Narekober sa encounter site ang mga parte ng armas, personal na kagamitan at motorsiklo.

Wala namang iniulat na nasugatan sa panig ng militar habang nalagasan ng mala­king puwersa ang mga bandido base sa mga patak ng dugo na dinaanan ng mga ito sa pagtakas.

Sa huling video na kumalat sa website ay nagmakaawa para sa kanilang buhay ang mga bihag kay incoming President Rodrigo Duterte na gawin ang lahat para makalaya sila sa bantang pagpugot.

Magugunita na nagpalabas ng ultimatum na hanggang Hunyo 13 ang mga kidnaper para maibigay ang tig P600 milyong ransom kapalit ng buhay ng kada isang bihag at kung hindi ay pupugutan ang isa muli.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

JOLLY ALLANGAN

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with