^

Probinsiya

School principal dedo sa adik na mister

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napaslang ang isang school principal matapos itong pagbabarilin ng sari­ling mister na sinasabing lulong sa bawal na droga sa loob ng eskuwelahan sa Malaybalay City, Bukidnon noong Martes ng umaga.

Tatlong bala ng  cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Florina Tenorio, principal sa Casisang National High School.

Agad namang tumakas ang suspek na si Arnold Tenorio pero nasakote ito sa follow-up operation ng pulisya.

Batay sa ulat na naka­rating kay P/Supt. Surki Sereñas, PNP regional spokesman, naitala ang insidente sa mismong compound ng Casisang National High School sa Brgy. Casisang dakong alas-10:48 ng umaga.

Nabatid na nagtungo ang suspek sa nasabing eskuwelahan kung saan pilit na pinauuwi na ang kaniyang misis na hinihi­ngan nito ng pera na pambili ng bisyo pero tumanggi ang biktima.

Dito na nairita ang nasabing mister at pinagbabaril ang kaniyang asawa sa harapan ng nagulantang na faculty staff at mga estudyante.

Nagawa pang maisugod sa Bukidnon Provincial  Medical Center pero namatay habang ginagamot.

Nahaharap ngayon sa kasong parricide at paglabag sa Comelec gun ban ang suspek na nakumpiskahan ng cal. 45 pistol at mga bala.

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with