^

Probinsiya

4 magkakapatid patay sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
4 magkakapatid patay sa sunog
Sa report ng Tacloban City Fire Bureau, nakilala ang mga biktima na sina Dan Jade Morales, 16; Glenn Mark Morales, 14; Glen Marie Morales, 11; at si Gwyneth Morales, 9.
Philstar.com file

MANILA, Philippines – Masyadong maaga ang salubong ni kamatayan sa apat na magkakapatid na bata makaraang makulong ng apoy sa kanilang bahay na nasunog sa Barangay 78, Marasbaras saTacloban City, Leyte kahapon ng madaling araw.

Sa report ng Tacloban City Fire Bureau, nakilala ang mga biktima na sina Dan Jade Morales, 16; Glenn Mark Morales, 14; Glen Marie Morales, 11; at si Gwyneth Morales, 9.

Halos hindi na makilala ang mga biktima dahil sa grabeng pagkatusta ng mga katawan.

Base sa imbestigasyon, magkakatabing natutulog ang mga biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay nang sumiklab ang apoy bandang alas-4:50 ng madalinga raw.

Nabatid na iniwan ang mga biktima ng kanilang mga magulang nagtungo sa palengke para mamili ng mga paninda at iba pang kailangan para sa kanilang negosyong cafeteria.

Nabatid na gawa lamang sa mahinang uri ng materyales ang bahay ng pamilya Morales habang sa ibaba naman nito ay ang cafeteria na negosyo ng mag-asawa.

Naapula naman ang apoy matapos na rumes­ponde ang mga bumbero dakong alas-5:20 ng umaga.

Pinaniniwalaang nag-init ang linya ng kuryente kaya lumikha ng apoy.

 

vuukle comment

GOSLING

OSCAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with