Ustadz, itinumba ng tandem
NORTH COTA BATO, Philippines - Dead-on-the-spot ang 48-anyos na ustadz (lingkod sa simbahan ng Muslim) matapos itong pagbabarilin ng dalawang nakamotorsiklo sa vulcanizing shop sa Cotabato City, Maguindanao noong Sabado ng gabi. Ayon kay Cotabato City PNP spokesman P/Senior Inspector Ruel Zafra, nakilala ang biktima na si Ustadz Guiamilon Abubakar Mindo ng Barangay Datu Balabaran sa nasabing lungsod. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakatayo ang biktima sa vulcanizing shop nang lapitan at ratratin bandang alas-7:41 ng gabi. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.
- Latest