^

Probinsiya

Trak bumaliktad: 1 patay, 50 sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY – Nauwi sa trahedya ang masayang convention ng isang religious group matapos na masawi ang isa sa kanila habang 50 pa ang sugatan nang bumaliktad ang kanilang sinasakyang Isuzu Forward truck sa kurbadang bahagi ng highway sa Sitio Lubac, Brgy. San Vicente, Sta. Ana, Cagayan kamakalawa. ?

Nasawi si David Hope Miguel, 52, ng Sto. Tomas, Isabela dahil sa pagkadurog ng katawan nang madaganan habang ang iba pang mga sugatan ay isinugod sa Saint Anthony’s Hospital at Santa Ana Community Hospital.

Ayon kay Sr. Insp. Sa­turnino Soriano, hepe ng Sta. Ana Police,  ang grupo na binubuo ng mga kabataan at matatanda ay kasapi ng Church of Christ na pinamunuan ni Pastor Marvin Alvarez na nagdaos ng convention sa lugar.? ?

Sinisiyasat kung nakai­nom ng alak ang dinakip na drayber na si Jolly Oligan Jr., 30, dahil hindi nito nakalkula ang tinatahak na kurbada.?

Sinasabing mabilis ang patakbo ni Oligan kung kaya’t nawalan ito ng kontrol sanhi ng pagbaliktad ng truck (URW-105) lulan ng mga nagsisiksikang mga biktima sa likuran dakong alas 4:30 ng hapon.?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with