^

Probinsiya

11 drug pusher ginawang ‘Flores de Mayo’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
11 drug pusher ginawang �Flores de Mayo�
Nagmistulang Flores de Mayo ang ginanap na walk of shame sa Tanauan City, Batangas kahapon kung saan ipinarada ang mga drug pusher na ipinaaresto ni Tanauan City Mayor Thony Halili. ARNELL OZAETA

BATANGAS, Philippines - Muling sumailalim sa walk of shame sa Tanauan City, Batangas ang 10 kalalakihan at isang babae matapos maaresto ng pulisya sa inilatag na drug bust operation kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Guilbert Saba, Michael Mendoza, Analiza Saba, Karamjit Singh, Virgilio Opena, Moises Opena, Larry Sevillano, Glenn Castillo, James Carlo Suazo, Edison Rosete at si Angelo Rosete na pawang nakatira sa mga Barangay 3 at 4 sa nasabing lungsod.

Sa isinagawang operas­yon ng civil security unit na Mac Group ng Tanauan City, sinuyod ng mga ope­ratiba ang Barangay 3 at Barangay 4 kung saan nasakote ang mga suspek na nagbebenta at gumagamit ng shabu.

Nabatid na ang mga suspek ay naunang kinausap ni Mayor Thony Halili noong nakalipas na linggo para pakiusapang tumigil na sa pagbebenta ng bawal na droga.

Subalit makalipas ang ilang araw ay nagpatuloy pa rin sa pagtutulak ng droga ang mga suspek kaya napilitang iparada sa taumbayan na may nakaka­bit na placards sa dibdib.

Nagmistulang Flores de Mayo ang walk of shame kahapon matapos lagyan ng arko ang mga suspek at may nakasulat na flores de pusher

Sa kabila ng imbestigasyon ng CHR matapos ipa-walk of shame ang 7 suspek noong nakalipas na linggo, patuloy pa rin ang walk of shame na ipinag-utos ni Mayor Halili para masawata ang paglaganap ng droga sa nasabing lungsod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with