P9-M ari-arian naabo
NORTH COTABATO, Philippines – Aabot sa P9 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang ilang gusali sa tapat ng ND University sa Don Abelardo Street, Cotabato City, Maguindanao, kamakalawa ng gabi. Ayon kay FO2 Hexter Cadavero ng BFP Cotabato City spokesman, kabilang sa nasunog ang Compact II sa 1st door ng Bueno apartment, two-storey, Lauban boarding house at ang Dimaukom Building na may 6 stalls. Nasunog din ang Romy Uy Building na may tatlong palapag sa harap mismo ng ND University kabilang na ang bahay ni Jimmy Tee habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest