^

Probinsiya

Bus vs. trike: 4 patay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng apat na kalalakihan makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang kanilang traysikel kahabaan ng national highway sa Barangay Alibagu, Ilagan City sa Isabela noong Sabado ng gabi.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Manuel Bringas, hepe ng Ilagan City PNP, kinilala ang mga namatay na sina Leonardo Ander, 35; Elmer Ignacio, 29;  Malito Manalo, 39; at si Jerome Galasinao, 33, mga nakatira sa nasabing lungsod.

Nakatakdang kasuhan ang driver ng bus na si Joseph Pasaraba, 50, tubong Lallo sa Cagayan.?

Nabatid na patungo sana sa Maynila ang GV Florida Bus nang makasalpukan ang traysikel ng mga biktimang mula sa inuman.

Sinasabing inagaw ng traysikel ng mga biktima ang linya ng kasalubong na bus kaya naganap ang trahedya dakong alas-10 ng gabi.?

Sa lakas ng impact ay tumilapon ng ilang metro ang mga biktima at ang traysikel kaya hindi kaagad natukoy ng mga imbestigador ang nagmaneho.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with