^

Probinsiya

Suspek sa ‘hit and run’ tiklo

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

PILAR, Bataan, Philippines - Nahuli na ng Pilar Police ang nakabangga at nakapatay sa isang tricycle driver at ikinasugat ng dalawang pasahero nito makaraang takbuhan ng suspek lulan ng Toyota Regius sa national road ng Brgy. Rizal, nasabing bayan noong madaling-araw ng Mayo 1, 2016. Kinilala ni Prov. Police Information Officer P/Insp. Jennifer Cruz ang suspek na si Richmond Gallardo, 20, may-asawa, maintenance officer ng Sityo Kabyawan, Brgy. Laon, Abucay, Bataan. Sa ulat, dakong alas-2:40 ng madaling-araw habang  mabilis na binabagtas ng Maton tricycle na minamaneho ni Wally Rod­riguez, 25, may-asawa, ng Bilolo Orion at backrider nito na sina Charwin Labayu, 22, binata, ng Parang Bagac at  si Melvin Catapang, 23, binata, nagtatrabaho sa Pilar Rural Bank ng Wakas South Pilar nang mabundol sila ng isang rumaragasang kotse patungo pareho sa direksyon ng Balanga at sila ay tinakbuhan ng nakabangga. Namatay si Rodriguez habang itinatakbo sa Bataan General Hospital ng mga nakasaksi habang nakaligtas ang dalawang sakay nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with