^

Probinsiya

Camarines Norte gubernatorial bet, top sa survey

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines - Labis ang pasasalamat ng incumbent Congresswoman ng unang distrito sa lalawigang ito na tumatakbong ngayong gobernador sa ilalim ng Partidong Liberal nang manguna sa bagong survey sa social media.

Sa isang panayam.  Sinabi Gubernatorial candidate  Dra. Cathy Barcelona Reyes na pinakabata at nag-iisang babae na tumatakbong gobernador sa Camarines Norte, handa siyang  makapaglingkod sa lalawigan dahil sa kanyang mga karanasan sa pagiging SK Chairman, miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at kinatawan ng unang distrito ng lalawigan.

Isa sa nagtulak kay Reyes na mamuno sa Camarines Norte ay upang mas lalo pang makatulong bilang isang ding doktor. Isa sa matagumpay na naisakatuparan ni Reyes ang mga nagawa nitong mga proyekto sa unang distrito katulad ng turismo, imprastraktura,  edukasyon at scholarship sa mga kabataan.

Sa kabila ng kawalan ng pork barrel, tumaas ang rating ni Reyes dahil sa patuloy ang proyektong naisasakatuparan sa unang distrito sa pamamagitan ng kanyng “dugo at pawis.”

Kapag nanalo, tututukan nito  ang programa sa kalikasan partikular ang illegal mining at ang pagtatayo ng dagdag ospital sa unang distrito, agrikultura, proyektong imprastraktura at katahimikan sa lalawigan.

Katuwang sa pagsusulong nito ang kanyang kasamang tumatakbong Vice Governor Tito Sarte Sarion para sa tunay na pagbabago sa lalawigan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with