^

Probinsiya

‘Termite Gang’ umatake, pawnshop nilooban

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - Natangayan ng malaking halaga ng salapi at mga sanglang alahas ang isang pawnshop matapos na umatake ang “Termite Gang” na naghukay papasok ng nasabing bahay sanglaan kamakalawa sa Brgy. Langkaan 1, Dasmarinas City, Cavite.

Umaga na nang ma­diskubre ni Rieschel Pe­raira, 23, dalaga, cashier ng JARO pawnshop branch na nasa panulukan ng #44 Governors Drive, Brgy Langkaan 1 ng nasabing lunsod.

Sa ulat ni PO3 Aaron Abesamis, may hawak ng kaso, alas-9:00 ng umaga kamakalawa nang itawag sa kanila ng mga opisyal ng Brgy Langkaan 1 na may nangyaring robbery sa pawnshop.

Ani Pereira, cashier ng pawnshop, alas 8:15 ng umaga ng pumasok siya upang mag-duty sa pawnshop, pagbukas niya nito ay bumulaga sa kanya ang malaking butas sa floor at magulo ang loob ng pawnshop.

Agad siyang humingi ng tulong sa brgy na itinawag naman sa pulisya, sa pagsisiyasat ng mga ito, sa isang drainage na di kalayuan sa pawnshop dumaan ang mga suspek at nagsi­mulang maghukay papasok ng pawnhop. Nalimas ang mga pera sa loob ng vault at mga sanlang alahas dito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with