^

Probinsiya

Kawatan utas sa sekyu

Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pinabulagta ang 15-anyos na lalaki na sinasabing naaktuhang nagnanakaw matapos itong pagbabarilin ng security guard sa refilling station sa Tahao Road sa Barangay Cruzada, Legazpi City, Albay kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Mark Louie Bien, construction worker at nakatira sa Zone 9, Barangay Bitano, Legazpi City habang tinutugis naman ang suspek na si Abelardo Aluag, 40, tubong Barangay Baldes sa Ilocos Norte. Ayon kay PO1 Chairmaine Mayores ng Albay PNP, naaktuhan ng suspek ang biktima na nagnanakaw sa loob ng compound ng water refilling station subalit nanlaban ito kaya pinagbabaril at napatay. Narekober  naman sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng cal. 9mm pistol.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with