^

Probinsiya

Anak kinatay ng ama

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - Patay ang 40-anyos na traysikel driver matapos itong pagtatagain ng sariling ama sa naganap na panibagong karahasan sa Purok 4, Brgy. Katidtuan sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kamaka­lawa ng gabi. Naisugod pa sa Polymedic Hospital subalit idineklarang patay ang biktimang si Abubakar Gomonsong Lumuba habang napatay naman ng mga operatiba ng pulisya ang ama na si Kamid Lumuba Kanacan, 60, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa ulat na isinumite kay P/Senior Insp. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP, nagkainitan ang mag-ama na humantong sa pananaga ng suspek sa kanyang anak. Gayunman, rumesponde ang pulisya subalit sinalubong sila ng pagpapaputok ng suspek gamit ang cal. 45 pistol. Dito na gumanti ng putok ang mga pulis kaya napatay si Kamid.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with