^

Probinsiya

Tsinoy trader pinalaya na ng Abu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinalaya na rin kamakalawa ng umaga sa Sulu ng Abu Sayyaf Group ang negosyanteng Tsinoy na kinidnap noong Mayo 22, 2014. Kinilala ni Major Felimon Tan, Army’s regional spokesman ang pinalayang bihag na sina Yehong Chen Lim.

Si Lim na anak ng may-ari ng videoke bar sa Basilan ay pinakawalan ng grupo ni Abu Sayyaf leader Hairula Asbang sa Barangay Danag, bayan ng Patikul, Sulu.

Ang biktima at ina nitong si Dina Lim ay dinukot ng mga armadong kalalakihan na nakasuot ng PNP uniform noong Mayo 22, 2014 sa Dalby Video Bar na pag-aari ng mga biktima sa Isabela City, Basilan.

Una nang pinalaya ang ina ng biktima na siyang nag-report sa mga awtoridad. Ang mag-ina ay sumakay ng fastcraft na dumating sa Zamboanga City kahapon ng umaga.

Samantala, wala namang masabi si Tan sa ulat na nagbayad ng P.3 milyong ransom ang pamilya ng biktima mula sa naibabang unang P1 milyong ransom demand ng mga kidnaper kapalit ng pagpapalaya sa bihag.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with