^

Probinsiya

Katiwala pinatay sa sakal ng mag-utol

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 33-anyos na magsasaka matapos itong sakalin gamit ang lubid ng mag-utol  saka itinago sa ilalim ng mga yero sa Barangay Kapanikian sa bayan ng Santa Ana, Cagayan kamakalawa. ?

Kinilala ni P/Senior Insp. Saturnino Soriano, hepe ng Sta. Ana PNP ang biktima na si Kenny Apostol habang tinutugis naman ang mga suspek na sina Giovani Riambon at Nestor Riambon. ?

Ayon sa police report, nakikipag-inuman ang biktima sa mag-utol na suspek nang maganap ang krimen.

Nadiskubre ng may-ari ng sakahan na si Regalado Alibania ang kanyang katiwalang biktima sa ilalim ng mga yero dahil sa mga kumpol ng mga bangaw  sa pagilid kung saan nagsisimulang umalingasaw.?

Pinaniniwalaang selos sa trabaho ang isa sa motibo ng mga suspek dahil sa katiwala ng kanilang amo ang biktima. ?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with