^

Probinsiya

5 mayoralty supporter timbog sa boga

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Limang lalaki na umamin umanong nasa grupo ng isang mayoralty candidate ang nasakote ng pulisya dahil sa pag-iingat ng matataas na kalibre ng mga armas at bala sa Brgy. San Jose Sur, Mallig, Isabela kamakalawa ng gabi.?

Sinabi ni Chief Insp. Charlemagne Tabije, hepe ng Mallig Police na isasailalim sa cross matching ng crime laboratory ang mga baril at bala na nakuha sa mga suspek na sina Isabelo Pastor, 25 at Randy Cueva, 23, ng Brgy. Olango, Mallig; Jomar dela Cruz, 37, Bonnie Candaroma, 39, at Arturo Calderon, 26, ng bayan ng Delfin Albano, at mga campaign supporters at kaanak ni mayoralty bet Jose Calderon ng Nationalist People’s Coalition. ?

Ayon kay Tabije, ang nakumpiskang M-16 armalite,  dalawang shotgun at isang cal. 45 baril ay pinaniniwalaang ginamit sa pagratrat sa mga bahay ng limang supporters ni Mayor Pedro Flores sa Brgy. Siempre Viva Norte noong nakaraang buwan.?

Nadakip ang mga suspek sakay ng isang Toyota FX (TSU 737) dakong alas-10:45 ng gabi matapos i-report ng mga residente ang kahina-hinalang pagpapatrolya nila sa lugar.?

Si Calderon ay dating vice mayor ni Flores na muling tumatakbo sa ilalim ng Liberal Party.  

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with