^

Probinsiya

Motorbike mishap: 2 utas, 2 kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Isang magbayaw ang nasawi habang kritikal ang dalawang magkaibigang karpintero sa dalawang insidente ng salpukan ng mga motorsiklo laban sa isang 10-wheeler truck at isang Victory Liner bus sa San Mateo, Isabela at  Aritao, Nueva Vizcaya kamakalawa. ?

Kinilala ni Chief Insp. Pilarito Mallilin, hepe ng PNP San Mateo ang mga nasawing mag-bayaw na sina Rommel Mangan, 31, ng Brgy. Rang-ay, Cabatuan at Etong Lazaro, 29, tubong Claveria, Cagayan.? Sinasa­bing nag-overtake sa isa pang sasakyan ang magbayaw subalit hindi naka­l­kula ang distansiya nito sa papalapit na 10 wheeler truck na minamaneho ni Armando Daet, 28, sanhi ng banggaan sa Brgy. Sinamar Norte.?

Namatay noon din ang mga biktima habang agad naaresto ng mga nagres­pondeng pulis si Daet. ?

Sa Aritao, Nueva Vizcaya, kritikal ang magkaibigang karpintero na sina Joven Gatchalian, 48, at angkas na si Jessie Fabro, 31, nang salpukin sila ng isang Victory Liner bus habang nakikipag-karera rito sa kurbadang bahagi ng highway sa Brgy.  Banganan dakong alas-11:00 ng tanghali. Naisugod ang dalawang biktima na sinasa­bing nakainom ng alak sa pagamutan habang ang driver ng bus (CXT 432) na si Joseph Tagalicud, 33, ay isinailalim sa kustodiya ng pulisya matapos ang insi­dente.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with