^

Probinsiya

2 bihag na parak pinalaya ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang isang buwang pagkakabihag, pinalaya na ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang dalawa pang pulis na prisoners of war (POW) sa Brgy. Bulonay, Impasugong, Bukidnon nitong Martes ng hapon. 

Kinilala ng Bukidnon Police,  ang mga pinakawalang bihag na sina SPO2 Warren Conales at PO3 Edwin Castor.

Bandang alas-5 ng hapon nang pakawalan ng mga rebelde ang nalalabi pang bihag na mga pulis at saka ipinasa kay Bukidnon Go­vernor Jose Ma. Zubiri Jr. at sa mga lider  ng relihiyon sa lalawigan.

Magugunita na kabilang ang dalawa sa tatlong pulis at dalawang sundalo na binihag ng NPA rebels sa Bukidnon, Misamis Oriental at Agusan del Norte noong Abril 3. Unang pinalaya ang bihag na pulis na si SPO4 Rene Rombo sa Talisayan, Mi­samis Oriental na pinakawalan nitong Lunes ng hapon.

Sa kasalukuyan, bihag pa rin ng mga rebelde ang dalawang sundalong sina Pfcs. Glenn Austia at Diven Abion Tawide na dinukot sa Buenavista, Agusan del Norte ng unang linggo ng nakalipas na buwan.

Isinailalim na sa medical examination ang pinalayang dalawang parak na isasalang din sa stress debriefing.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with