Tulak tiklo sa P.3-M shabu
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Umaabot sa P.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa 32-anyos na sinasabing notoryus drug pusher sa isinagawang drug bust operation sa Barangay 27 Nuestra Sra De Soledad sa Katipunan Street, Laoag City sa Ilocos Norte kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni P/Supt. Edwin Balles, hepe ng Laoag City PNP ang suspek na si Jeffrey Luz na nakumpiskahan ng 10 plastic sachets ng shabu (52.2 gramo) na nagkakahalaga ng P313,680. Nabatid na ginawang drug den ang bahay ng suspek kaya ito sinalakay ng pulisya sa bisa ng search warrant na inisyu ng mababang korte.
- Latest