^

Probinsiya

Magsasaka nag-amok: Mag-ama dedo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-ama matapos itong pagbabarilin at pagtatagain ng magsasakang nag-amok sa bulubunduking bahagi ng Barangay Esperanza sa bayan ng Lopez, Quezon kamakalawa ng gabi.

 Nagkabutas-butas ang katawan dahil sa tama ng bala ng shotgun si Norman Ramirez, 19 habang nagmistulang kinatay na karne ng hayop ang tatay nitong si Nonilo Ramirez, 46.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Serafio Sarto Jr., 43, ng nabanggit na barangay.

Nabatid na nagising sa kanilang kubo ang mag-ama dahil sa nilikhang ­ingay ng suspek kung saan pinakiusapan ni Norman na umuwi na lamang ito subalit pinagbabaril siya gamit ang shotgun.

Tinangkang harangin ni Nonilo ang suspek upang hindi makatakas subalit maging siya pinagtataga hanggang mapatay.

Narekober sa crime scene ang shotgun na ginamit ng suspek sa pamamaslang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with