^

Probinsiya

Pulis nagwala sa presinto, inaresto

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines - Nalalagay sa balag ng ala­nganing masibak sa tungkulin ang senglot na pulis matapos nitong insultuhin ang kabarong pulis sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Donsol, Sorsogon kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang suspek na si PO2 Josam Mendiola, 36,  nakatalaga sa Pilar PNP at nakatira sa Barangay Punta Waling Waling Dalisay sa nasabing bayan. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, nabatid na may bitbit na bote ng alak si PO2 Mendiola nang pumasok sa himpilan ng pulisya kung saan pinagsabihan nito ng masasakit na pananalita ang kabarong si PO3 Menandro Nierva. Naalarma ang ilang pulis sa ginawa ng suspek kaya sinikap namang awatin subalit patuloy pa rin sa pagmumura  hanggang sa napilitang arestuhin ni PO3 Nierva.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with