^

Probinsiya

2 patay, 5 sugatan sa sakuna

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang namatay habang lima naman ang nasugatan makaraang sumalpok ang kanilang kotse sa puno ng mangga sa gilid ng highway sa Barangay Balibago, bayan ng Lian, Batangas kahapon ng madaling araw. Kinilala ang dalawa na sina Delson delos Reyes, 20, ng Tuy, Batangas; at Justin Sabalo, 15, ng Balayan sa nasabing lugar. Ginagamot naman sa pagamutan sina Alexander Leynes, 26; Reejay Ann Ahorro, 26; Anna Rose Magpantay, 19; at si Raymart Magpantay, 16. Base sa ulat na nakara­ting sa Camp Crame, magkakasama ang mga biktima sa Mitsubishi Mirage G4 Sedan (ARA-6938) na minamaneho ni Clyde Daniel Tan nang makasalubong si kamatayan. Ayon sa mga nakasaksi masyadong mabilis ang sasakyan ng mga biktimang patungo sa Brgy. Matabungkay sa bayan ng Lian mula sa Balayan nang  sumalpok  sa puno ng mangga sa tabi ng highway.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with