^

Probinsiya

Van swak sa bangin: 6 patay, 12 kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Anim na magkakamag-anak ang namatay habang 12 naman ang nasa kritikal na kalaga­yan makaraang mahulog ang kanilang van sa may 50-metrong lalim na ba­ngin sa Barangay Ysmael, bayan ng Maddela, Quirino kahapon ng madaling araw.?

Kabilang sa mga namatay ay sina Edgar Taccaban, 57, driver ng van; Macdan Mamauag, 50; Maxy Mamauag, 50; Salcedo Mamauag, 58; Esther Mamauag, 57; at si Nora Cadorna, 52.

Naisugod naman Quirino Province Medical Center ang mga sugatang sina Joan Garcia, 4; Editha Garcia, 33; John Menard Taccaban, 11, anak ng driver ng van; Emalyn Alvento, 27; Shiereen Alvento, 4; Trinidad Carabbaccan, 40; Warren Garcia, 30; John Lloyd Carrabaccan, 7; John Carrabaccan, 7; John Mark Mamauag, 6; Bentorito Carabbacan,  50; at  si Albert Garcia, 29.

Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Godofredo Wasin, hepe ng Maddela PNP, patungong beach resort sa bayan ng Baler, Aurora ang mga biktimang lulan ng van (BVU 145) mula sa Cauayan City, Isabela nang mawalan ng preno pagsapit sa kurbadang kabundukan ng Sierra Madre.

Nagtuluy-tuloy sa ba­ngin ang sasakyan ng mga biktima bago bumagsak sa ilog kung saan tinangay pa ng malakas na agos ng tubig.

?Samantala, isang taon na rin ang nakalipas nang malagas ang tatlong bakasyunista sa pareho rin lugar matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang truck na patungo rin sa Aurora. Dagdag ulat ni Joy Cantos

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with