Matansero inutas sa slaughter house
BULACAN, Philippines – Napatay ang 31-anyos na matansero na nakipagsuntukan matapos itong saksakin ng kanyang kabarong matansero sa loob ng slaughter house sa Barangay Wawa, bayan ng Balagtas, Bulacan kamakalawa ng gabi. Tatlong tama ng matalim na pangkatay ng baboy ang tumapos sa buhay ni Rodel Cordero, tubong bayan ng Padre Garcia, Batangas at nakatira sa Brgy. Sergio Bayan sa Calumpit, Bulacan. Pinaghahanap naman ang suspek na si Benjie Alegria, 31, ng Balagtas Slaughter House sa Brgy. Wawa sa nasabing bayan. Base sa police report na nakarating sa Camp Alejo Santos, nagkakatay ng mga baboy ang biktima at kapatid ng suspek na si Reynaldo Alegria nang magkasuntukan ang dalawa. Gayunman, nilapitan ng suspek ang biktima saka sinaksak.
- Latest